^

Metro

5 tirador ng motor, tiklo sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5 tirador ng motor, tiklo sa Caloocan
Kinilala ang mga inaresto na sina Angelo Arboleda, 38, isang beautician; Henrick Paul Mendoza, 32; Mark Ramirez, 24, mekaniko; Roy Santos, 40 at Nino Manacho, 36, pawang mga nakatira sa Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Huli sa aktong ‘kumakatay’

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang limang sinasabing mga kilabot na miyembro ng isang carnapping group nang maaktuhan ang tatlo sa mga ito na ‘kinakatay’ ang isang bagong nakaw na motor habang 12  pang motorsiklo ang na-recover sa isinagawang operasyon ng Caloocan City Police kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga inaresto na sina Angelo Arboleda, 38, isang beautician; Henrick Paul Mendoza, 32; Mark Ramirez, 24, mekaniko; Roy Santos, 40 at Nino Manacho, 36, pawang mga nakatira sa Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, unang nadakip ng anti-carnapping unit ang isa pang suspek na si Maico Dejoras noong Hunyo 9 dahilan para magkasa ng intelligence operation laban sa grupo sa naturang barangay na kinakahoy ang mga parte ng mga motorsiklo para ibenta.

Alas-2:30 ng madaling araw kahapon nang makatanggap ang mga pulis ng impormasyon sa lokasyon ng isang slaughter house ng motorsiklo sa may Phase 9 Maharlika, Brgy. 178 Bagong Silang dahilan para salakayin nila ito.

Dito inabutan ng mga pulis ang mga suspek na sina Arboleda, Mendoza at Ramirez na abala sa pagkatay sa isang motorsiklo na naberepikang ang motor na inagaw sa biktimang si Philen Tulawie. 

Agad na inaresto ng mga pulis ang tatlong suspek at nakumpiska sa kanila ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia.

Apat na motorsiklo ang inisyal na narekober ng mga pulis sa lugar.  Inamin ng tatlo na ibinibenta nila ang mga ito sa kanilang mga parokyano sa Phase 3 Package 3 Block 92 Lot 13 Brgy. 176 Bagong Silang na sinalakay agad ng mga pulis.

Dito inaresto sina Santos at Manacho nang madis­kubre ang walo pang motorsiklo na may mga pekeng dokumento.

Sasampahan na ng mga kaukulang kaso ang mga natimbog na suspek.

vuukle comment

CARNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with