^

Metro

Erwin Tulfo nasa ibang bansa, hindi pa nagsusuko ng mga armas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Erwin Tulfo nasa ibang bansa, hindi pa nagsusuko ng mga armas
Sinabi ni PNP Spokesman na nasa ibang bansa pa si Erwin kaya hindi pa nito naasikaso ang pagpapa-renew ng kaniyang License To Own and Possses Firearms ( LTOPF).
Erwin Tulfo Facebook

MANILA, Philippines — Bigo pa rin ang brodkaster na si Erwin Tulfo na isuko ang mga armas nito sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Spokesman na nasa ibang bansa pa si Erwin kaya hindi pa nito naasikaso ang pagpapa-renew ng kaniyang  License  To Own and Possses Firearms ( LTOPF).

“Ang pinakahuli nating ulat na natanggap ay nasa abroad si Mr. Erwin Tulfo kaya di pa naaaksyunan ang kaniyang renewal at ‘yung pagsuko ng firearms,” pahayag ni Banac.

Ayon kay Banac, umalis si Tulflo ng bansa bago pa man ito maabisuhan na expired o paso na ang kaniyang LTOPF.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Banac na magpa-follow up sila sa susunod na linggo at aalamin kung kailan babalik si Tulfo nang sa gayon ay matupad na nito ang kanyang pangako na isuko ang kanyang mga baril at mag-renew ng lisensya.

Sa tala ng PNP Firearms and Explosives Offices, nitong Marso 3 pa ng taong ito  napaso ang LTOPF ni Tulfo.

Samantalang una na ring nagbabala si PNP Chief Police General Oscar Albayalde na kung hindi isusurender ni Tulfo ang kanyang armas ay gagawa na sila ng “police action” tulad ng pagpapatupad ng Oplan Katok at pagsisilbi ng search warrant laban sa brodkaster.

Magugunita na tinanggalan ng security escorts si Erwin at mga kapatid nitong sina Ben, Ramon, Raffy at misis ng huli bu­nga naman ng pambabatikos at pang-aalipusta ng una kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Joselito Bautista.

vuukle comment

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with