3 wanted timbog sa Maynila
MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong wanted sa iba’t ibang kaso sa magkakahiwalay na operasyon sa Maynila.
Nakapiit ngayon sina Ricardo Delica, 33, tricycle driver; Dominic Santiago, 19 at Nancy Trimidal, 48. Nabatid sa MPD-Police Station 6, alas -2 ng madaling araw kahapon, nang arestuhin si Delica sa Onyx Street, San Andres Bukid, ng mga tauhan ng Warrant and Intelligence Section sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Lorenzo R. Dela Rosa ng Manila Regional Trial Court Branch 04. Si Delica ay may kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, na may katumbas na piyansang P80,000.
Nabatid na naaresto rin ng MPD- PS-6, alas- 2:35 ng hapon sa Plaza Calderon, Sta. Ana si Santiago, habang armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Jacqueline Martin-Balictar ng Manila RTC Branch 9, dahil sa kasong Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may katapat na piyansang P40,000.
Nadakip naman ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) si Trimidal alas 10:15 ng umaga,kamakalawa sa kanyang bahay. Nabatid na si Trimidal ay may kasong theft at inisyuhan ng warrant of arrest ni Hon. Judge Ronaldo Sandoval ng Sta. Rosa, Nueva Ecija Municipal Trial Court.
- Latest