^

Metro

NCRPO nakatutok naman sa class opening ng mga pribadong paaralan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang linggo makaraang bantayan ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan, mananatili sa kanilang mga puwesto ang mga pulis para naman tiyakin ang seguridad ng pagsisimula ng klase sa mga pribadong paaralan ngayong linggo.

“This actually means additional areas of operations for our personnel but there is no problem with that,” paglilinaw ni National Capital Regional Police Office director, Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

“We have been doing this every year and we are banking on the lessons learned and experiences of our commanders and personnel on the ground,” dagdag niya.

Kasama sa direktiba ni Eleazar sa limang police districts na Manila Police, Quezon City Police, Southern Police, Eastern Police at Northern Police ang pagpapatupad ng security measures sa mga pribadong paaralan.

Napatunayan na nila na ang presensya ng mga pulis sa mga paaralan ay mabisang paraan para malabanan ang mga krimen na target ang mga walang-muwang na mag-aaral.

Magsasagawa rin ang NCRPO ng patrulya sa mga bisinidad ng paaralan para mabigyang proteksyon ang mga mag-aaral sa mga “bully” lalo na sa mga grupo ng mga “out-of-school youths”.

Higit sa 7,000 pulis ang ikinalat sa iba’t ibang paaralan at bisinidad nito sa Metro Manila na nagresulta ng payapang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan nitong nakaraang Hunyo 3.

 

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with