^

Metro

80 pamilya nasunugan sa Valenzuela

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa 80 pamilya ang nawalan ng kanilang mga tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-6:50 ng gabi nang mag-umpisang sumiklab ang apoy sa Te­lecom Compound, Champoy 2 sa Brgy. Marulas, ng naturang lungsod. Agad itong kumalat sa mga kabahayan na pawang gawa sa light materials.

Umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog dakong alas-7:02 ng gabi hanggang sa magdeklara ng fire under control dakong alas-8:30 ng gabi at tuluyang maapula pasado alas-10 na ng gabi.

Walang naiulat na nasaktan sa mga apektadong residente na lumikas sa evacuation site sa kanilang barangay.

Blangko pa naman ang mga arson investigators sa naging sanhi ng sunog habang nabatid na ikatlong beses na itong pagsiklab ng sunog sa naturang compound mula noong 2013.

Bukod sa mga tent, nagpadala na rin si Mayor Rex Gatchalian ng mga portalets, mobile shower at kusina sa evacuation area habang nagbigay na ng pagkain ang City Social Welfare and Development Office.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with