^

Metro

Magkaangkas na sekyu at trader, inambus ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Magkaangkas na sekyu at trader, inambus ng tandem
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Arnel Puno, 41, sekyu at Shirley Ebora, 35, negosyante.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang isang security guard at isang babaeng vegetable dealer na magkaangkas sa motorsiklo nang tambangan ng riding-in-tandem sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Arnel Puno, 41, sekyu at Shirley Ebora, 35, negosyante.

Ayon kay P/Captain Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, patuloy pang iniimbestigahan ang kaso ng pananambang at inaalam ang motibo dito.

Naganap ang pananambang alas-8:20 ng gabi kamakalawa sa paikot na kalsada sa Muelle del Rio at 2nd Sts., sa Port Area.

Minamaneho ni Puno ang motorsiklo habang angkas si Ebora nang harangin sila ng nag-aabang na dalawang lalaki na armado ng mga baril at pinaulanan ng putok.

 Kapwa bumagsak ang dalawa mula sa motorsiklo na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas ang mga suspek habang anim na basyo ng bala mula sa kalibre 45 baril ang naiwan sa crime scene.

 “Yung sekyu parang katu-katulong nung babae sa pagpapautang niya at pa­niningil kaya sila magkasama. May nakuha ang homicide na listahan sa babaeng biktima ng mga pautang nito,” ani Navarro.

Dagdag pa niya,” … pwede sa pagpapautang ng pera ng vendor, hindi pa natin masasabing may love triangle kasi dapat alamin munang mabuti, kahit hindi nata-ngay ang bag na may lamang pera, may iba pang dapat silipin.”

Nabatid na kapwa may asawa ang dalawang napatay.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with