^

Metro

Anti-cyber sex, bullying program sinimulan ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang programa laban sa Cyber-sex at Cyber bullying na tinawag na ‘Intensified Student Anti Bullying Action Center’ (I-SABAC).

Layunin nito na tugunan ang lahat ng uri ng bullying problem ng batang mag-aaral, lalong-lalo na ang sexual harassment at cybersex exploitation.

Ang I-SABAC ay improve version ng E-SABAC na naging matagumpay sa pagtugon ng bullying sa internet o cyber bullying at iba pang uri ng pambubuli sa paaralan lalo na ngayon na opening ng  klase nga­yong araw.

Pinasimulan ng DepEd-Taguig City at Pateros ang Anti-Bullying Caravan upang ipaalam sa mga magulang at komunidad ang epekto ng bullying at ang programang sasagot sa problema ng cyber-bullying lalong lalo na sa child pornography or cybersex na isa sa mabigat na suliranin ng Taguig City.

Ang E-SABAC ang kauna-unahang anti-cyber bullying program ng DepEd sa buong bansa na ini­lunsad ng DepEd-Taguig na tutugon sa mga bullying problem sa internet at social-media. 

Kailangan lamang mag-log in ang isang biktima ng cyber bullying sa E-SABAC DepEd TAPAT@facebook. com at mayroong administrator ng website na tutugon sa kanyang problema. 

Ang Anti-bullying caravan ay umikot sa lungsod dala ang mga tarpaulin na nagbibigay impormasyon kung paano isumbong ang ano mang uri ng bullying.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with