^

Metro

Negosyante patay sa ambush sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Negosyante patay sa ambush sa Maynila
Ang biktima na nakilalang si Melchor Almazan 48, may-ari ng isang trucking service at residente ng Caloocan City ay idineklarang dead on arrival sa Tondo General Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang negos­yante nang pagbabarilin ng apat na lalaking magkaka-angkas sa dalawang motorsiklo sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang  biktima na nakilalang si Melchor Almazan 48, may-ari ng isang trucking service at residente ng Caloocan City ay idineklarang dead on arrival sa Tondo General Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

Sa inisyal na ulat ni P/ Senior Master Sergeant  Lester Evangelista kay P/Captain Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas- 8:20 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Ismakay Market, sa Vitas Tondo, sakop ng Brgy. 128.

Sakay umano ng kanyang Toyota Fortuner na kulay itim ang biktima at lingid sa kanyang kaalaman ay nakabuntot ang mga riding in tandem na suspects.

Pagsapit sa nasabing lugar ay basta na lamang niratrat ang biktima, habang ang kasamang nitong si Vladimir Almazan, 22 ay nakaligtas.

Nang matiyak na lugmok na ang biktima ay bumaba ng motorsiklo ang dalawang back rider at binuksan ang sasakyan ng biktima saka kinuha ang di pa tukoy na halaga ng perang koleksiyon umano nito sa negosyo at muling sumakay sa mga motorsiklo bago humarurot patakas.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng tinangay na cash sa biktima.

Patuloy pa ang isinasagawang follow up operation sa insidente para sa ikadarakip ng mga suspects.

vuukle comment

MELCHOR ALMAZAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with