^

Metro

P1-B shabu nasamsam sa Malabon

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1-B shabu nasamsam sa Malabon
Iprinisin­ta sa mga mamamaha­yag nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino at National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Guillermo Eleazar ang nasa 114 bags ng shabu na isinilid sa mga paletang gawa sa aluminum at nagkakahalaga ng P1-bilyon matapos salakayin ang isang warehouse sa Malabon City, kamakalawa.
Michael Varcas

Isinilid sa aluminum pallets

MANILA, Philippines — Tumataginting na P1-bilyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa isinagawang follow-up operation na sinasabing may kaugnayan sa shabu shipment ng Golden Triangle drug syndicate sa Malabon City, nitong Huwebes.

Alas-5:00 ng hapon nang salakayin ng nagsanib-puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC), Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard ang Goldwin Commercial warehouse sa may M. Santos St., Brgy. Santolan.

Ito ay makaraang ang may-ari mismo ng bodega na si Pacita Uy ang nag-ulat nito sa Northern Police District.  Nabatid na nagbababa ng mga sako ng “tapioca starch” ang mga tauhan ni Uy sa isang container van nang tamaan ng matulis na bahagi ng forklift ang paletang gawa sa aluminum na naglalaman ng nasa 114 bags ng shabu o katumbas ng 146 kilos kaya nadiskubre ito.

Sa press briefing, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang pagkakasamsam ng P1-bilyong droga ay bahagi ng follow-up ope­ration sa Dasmariñas City, Cavite noong nakaraang Pebrero 13 matapos ang forensic examination sa nakumpiskang cellphone sa mga naarestong drug traffickers.

“This shipment of illegal drugs is from Cambodia and is part of the Golden Triangle syndicate,” pahayag ni Aquino.

Sinabi ni Aquino na ang nasabing shipment ay may kaugnayan sa operasyon sa Dasmariñas, Cavite noong nakalipas na Pebrero 13 kung saan nasa 36 kilo ng shabu na aabot sa P 244-milyon ang nakumpiska.

Gayundin sa operasyon sa Tanza, Cavite noong Pebrero 3 kung saan nasa 274 kilo naman ng shabu ang nasamsam na nagkakahalaga ng P 1.9-bilyon.

Nabatid sa opis­yal na nagsagawa ng forensic investigation ang mga otoridad sa cellphone ng mga nasakoteng suspect na sina Alexander Jun Wah Ting Lee at Patrick John Gankee.

Natunton naman sa tulong ng Bureau of Customs (BOC) ang auction sa nasabing bodega na pinagtaguan ng nasabing bulto ng droga.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with