^

Metro

Inday Sara, bumisita kay Erap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang linggo matapos ang midterm elections binisita kahapon ng umaga ni Davao City Mayor Sara Duterte - Carpio si outgoing Manila Mayor Joseph Estrada.

Naging tahimik ang pagdating ng presidential daughter sa Manila City Hall,  kahapon ng umaga para personal na dalawin si Estrada sa kanyang tanggapan.

Hindi naman umano nagtagal ang nanalo ulit na alkalde ng Davao City at sinaluhan lang sa agahan si Estrada.

Malungkot din umano ang presidential daughter sa pagkatalo ni Estrada sa kanya sanang ikatlo at huling termino  bilang alkalde ng Maynila, gayundin ng dalawa nitong anak na sina dating Senador Jinggoy Estrada at outgoing Sen. JV Ejercito.

Kapwa kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang regional political party na binuo ni Mayor Sara, sa pagka-senador ang dalawang anak ni Estrada.

Samantala, nangako naman umano si Estrada na patuloy nilang susuportahan ang administrasyong Duterte kahit wala na sila sa puwesto.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

SARA DUTERTE - CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with