^

Metro

Chinese drug trafficker, 3 pa tiklo sa P20-M shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Chinese drug trafficker, 3 pa tiklo sa P20-M shabu
Ang apat na nadakip ng mga tauhan ng PDEA sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Maysan sa Valenzuela City na nakilalang sina Wu Lianlai, Chinese national at mga kasab­wat na sina Sunbenny Marquez, Florencio Serdon at Christopher dela Cruz na nasamsaman ng may 3 kilo ng shabu.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na pwersa  ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at  National Capital Regional Office  ang  isang pinaghihinalaang Chinese drug trafficker at tatlong iba pa  kung saan nakumpiska sa kanila ang tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20 milyon  sa drug bust operation sa Valenzuela City kahapon.

Kinilala ang mga nasakote na sina Wu Lianlai, mga kasamahan nitong drug trafficker na sina Florencio Serdon, Sunbenny Marquez Jr. at Christopher dela Cruz.

Sa ulat na tinanggap ni PDEA Director Undersecretary Aaron Aquino, bandang alas-12:30 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga anti-drug operatives laban sa mga suspect sa  9 B , Cadena de Amor Street, Brgy. Maysan ng lungsod.

Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos na makorner ng raiding team na pumalibot sa lugar.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang PDEA hinggil sa kahina-hinalang aktibidades ng grupo ni Lianlai sa lugar kaya agad itong isinailalim sa masusing surveillance operations.

Kasalukuyan na ring inaalam kung anong sindikato ng  illegal na droga ang kinabibilangan ng mga suspek.

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Anti Dangerous Drugs Act.

vuukle comment

CHINESE DRUG TRAFFICKER ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with