^

Metro

Taxi driver timbog sa panghoholdap ng pasahero

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Taxi driver timbog sa panghoholdap ng pasahero
Nagtamo ng mga galos ang biktima na agad namang nakapagsumbong sa pulisya.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang babaeng pasahero nang tumalon mula sa bintana ng sinasakyan niyang taxi matapos umano siyang holdapin ng driver nito.

Nagtamo ng mga galos ang biktima na agad namang nakapagsumbong sa pulisya.

Naaresto naman ang suspek na kinilalang si Jake Destacamento na umamin sa krimen. Sugarol at sinasabing lulong sa droga ang nasabing taxi driver.

“Paulit-ulit lang po nangyayari sa akin kapag bumibiyahe po ako ng taxi, pagdating ko po diyan sa Manila, napapasugal po ako tapos hindi ko rin po maiwasan para sa mga gabi siyempre nagti-take din po ako ng drugs kaya nagawa ko po yung ganun,” aniya.

Ayon sa imbestigasyon, hiniram ng suspek ang cellphone ng biktima na sumakay sa Cubao para daw makigamit ng waze.

Napansin daw ng biktima na tatlong beses na silang dumaan sa Balete Drive kaya kinuha niya ang cellphone niya at nagpababa na lang. Dito na umano siya hinoldap ni Destacamento.

Dito naman umalerto na ang biktima at tumalon mula sa bintana ng taxi.

vuukle comment

JAKE DESTACAMENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with