^

Metro

‘Oplan Harabas’, inilunsad ng PDEA

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Oplan Harabas�, inilunsad ng PDEA
Nagsimulang magsagawa ang PDEA ng drug test sa mga truck driver sa North at South Harbor sa Manila kaugnay sa inilunsad nilang ‘Oplan Harabas’.
Kuha ni Edd Gumban

Truck at tricycle drivers target ng drug test

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang simultaneous surprise drug tests sa mga truck drivers sa mga pa­ngunahing container ports sa buong bansa, kahapon. 

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino,  ang operasyon na tinawag na “Oplan Harabas” ay inilunsad nila, katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, bilang bahagi ng pagsusumikap na masugpo ang pamamayagpag ng illegal na droga sa bansa.

“PDEA finds it necessary to subject cargo truck drivers to drug screening because they operate heavy duty vehicles and are engaged in long distance travels. There is a prevailing practice of drug use among the driving population to stay awake for long trips,” ani Aquino, sa isang pahayag.

“We are also doing this to keep track of long haul drivers under the influence of illegal drugs,” aniya pa.

Inatasan na rin ng PDEA ang kanilang mga regional offices na isagawa rin ang ‘Oplan Haraba’s sa kani-kanilang nasasakupan sa suporta ng mga concerned government agencies.

Nabatid na ang sinumang truck at tricycle driver na tatangging sumailalim sa mandatory drug test ay ire-report sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO).

Ang mga mapapatuna­yan namang positibo sa paggamit ng illegal na droga ay kukumpiskahan ng lisensya habang nakabinbin pa ang pag-iisyu ng clearance ng PDEA sa kanila.

Kinakailangan ding sumailalim sila sa akmang intervention at rehabilitation process bago mabawi ang kanilang mga lisensya.

Mismong si Aquino ang nanguna sa drug testing sa mga truck drivers, at sinabing plano niyang gawin nang regular ang drug tests sa mga pangunahing container ports.

vuukle comment

DRUG TEST

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with