^

Metro

Joy B nagpasalamat sa endorso nina Pres. Digong, Sara, INC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Joy B nagpasalamat sa endorso nina Pres. Digong, Sara, INC
Si QC Vice Mayor Joy Belmonte kasama si Councilor Gian Sotto nang iendorso ni Pres. Digong matapos mag-courtesy call ang dalawa sa Pangulo sa Malacañang. Ito ang ikalawang pagkakataon na itinaas ni Pangulong Duterte ang kamay ni Joy.

MANILA, Philippines —  Pinasalamatan ni Quezon City Vice Mayor at mayoralty candidate Joy Belmonte ang  iba’t ibang grupo at mga opisyal partikular si  Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa kanilang mga suporta na nagbigay daan upang patuloy na manguna sa pinakahuling survey ilang araw bago ang eleksyon.

Sa isang independent survey  RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD Inc.) noong Mayo 4-8, tumaas pa sa 65 percent ang voter preference ni Belmonte, mula sa 60 percent noong nakaraang survey sa kabila na 30 percent lamang ang  katunggali na si Cong. Vincent Crisologo, at 3 percent si Ismael Mathay III.

Ayon kay Belmonte, nakatulong sa kanyang pagiging top choice  sa mga survey ang kumpiyansa sa kanya ng mga residente ng lungsod  at ipinakitang suporta sa kanya ng iba’t ibang grupo.

 “Securing the lead in this surveys is an important milestone especially we’re already in the crucial days just before the local elections. I’m grateful that the people consistently choose me as their next leader in Quezon City,” aniya.

 “Nagpapasalamat din ako sa Kapatiran ng ­Iglesia Ni Cristo sa kanilang paghayag ng opisyal na suporta sa akin. Gayundin ang mga iba’t ibang grupo na nag-endorso po sa ating kandidatura. Having these organizations’ endorsement, I am more motivated to not disappoint them for trusting me and my abilities as a leader,” dagdag pa niya.

 Bilang kaalyado ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Inday Sara, nagpasalamat din si Belmonte sa Hugpong para sa pag-udyok sa mga tagasuporta nito na mas palakasin ang kanyang kandidatura sa QC, kasama na rin ang buong tiket ng kanyang local party na Serbisyo sa Bayan Party (SBP).

Nobyembre ng nakaraang taon nang pormal na lumagda ng kasunduan ang HNP at SBP sa pangu­nguna nina Inday Sara at Belmonte.

“I would also like to thank President Duterte for publicly showing his support. Of course, I assure him that, if elected, I will stay committed to the fight against illegal drugs and criminality in the city, among the administration’s other objectives,” ani Belmonte na tumutukoy sa dalawang magkahiwalay na okasyon kung saan itinaas ni Pangulong Duterte ang kanyang kamay tanda ng suporta nito.

vuukle comment

JOY BELMONTE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with