^

Metro

Miting de Avance ni Isko, Lacuna dinagsa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi mahulugang karayom ang ginanap na ­miting de Avance ng Asenso Manileño  na isinagawa sa Distrito 4  at  3  para sa pinakahuling salvo sa 2019 local  elections.

Pinangunahan ni mayoralty candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso at reelectionist Vice Mayor Honey Lacuna ang Miting de Avance ng partido sa Plaza Noli, Sampaloc at Tambunting, Santa Cruz kamakalawa. 

Sa kanyang pahayag sinabi ni Domagoso na pagbubutihin nila ni Lacuna ang kanilang trabaho para makamit ang mga plataporma, pangarap at aspirasyon para magtayo ng bagong Maynila.

“Walang magmamalasakit sa ating mga batang Maynila kundi tayo ring mga batang Maynila,” ani Domagoso sa mga dumagsang supporters sa Miting de Avance.

Samantala, nagpasalamat  si Domagoso kay kapatid na Eduardo V. Manalo at sa mga kapatid sa Iglesia sa pagtitiwala sa kanya. 

Ani Domagoso, hindi nila sasayangin ni Lacuna ang tiwala at pagkakataon na ibinigay sa kanila ng INC at taga-Maynila para maiangat ang antas ng pamumuhay sa Lungsod ng Maynila.

vuukle comment

HONEY LACUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with