^

Metro

QC handa na sa eleksiyon sa Lunes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
QC handa na sa eleksiyon sa Lunes
May kabuuang 1,487 boxes ng mga official ballots ang naipadala na sa QC Treasurer’s Office na takdang ipamahagi sa may 8,106 precincts sa lungsod.

MANILA, Philippines — Handa na ang Quezon City government para sa #Halalan2019 sa May 13.

Ayon kay Ruby Rosa Guevarra, officer-in-charge ng City Treasurer’s Office, ang lokal na pamahalaan at ang kanilang mga tauhan ay 100 percent ready na para sa eleksiyon.

May kabuuang 1,487 boxes ng mga official ballots ang naipadala na sa QC Treasurer’s Office na takdang ipamahagi sa may 8,106 precincts sa lungsod.

Nakapag-training at orien­tation na din anya ang mga miyembro ng board of canvassers at ang mga guro na magsisilbi sa halalan sa Lunes.

Kaugnay nito, sinabi ni QC Department of Public  Order and Safety – Traffic   Ope­rations Division chief Dexter Cardenas na ang tanggapan ay handa na rin sa kanilang mandate sa halalan.

 Ang DPOS ang aasisti sa mga guro sa pagdadala ng election paraphernalia sa kanilang mga polling centers at sa panahon ng retrieval at paghahatid ng mga balota sa Quezon City Hall.

 Ang Quezon City Police District (QCPD) naman ay round-the-cl ock na magkakaloob ng seguridad sa panahon ng halalan.

Sinabi ni QCPD director Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., may kabuuang 2,123 pulis ang ikakalat sa May 13 para matiyak ang maayos at matahimik na halalan sa QC.

vuukle comment

#HALALAN2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with