^

Metro

16-anyos tepok sa salpok ng taxi

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
16-anyos tepok sa salpok ng taxi
Ang biktima ay nakilala lang sa alyas na “Angelo”, residente ng Dr. Pilapil St, Brgy. San Miguel, sa natu­rang lungsod.

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na rider ang nasawi matapos masalpok ng isang rumaragasang taxi ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Bambang, Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilala lang sa alyas na “Angelo”, residente ng Dr. Pilapil St, Brgy. San Miguel, sa natu­rang lungsod.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, isang concerned citizen ang nakadiskubre sa biktima na nakahandusay at walang malay sa Bambang Bridge, sa Brgy. Bambang.

Inireport ang insidente sa mga tauhan ng Police Community Precinct 3 dakong alas-5:30 ng mada­ling araw.

Kaagad na rumesponde ang mga otoridad at isinugod ang biktima sa Pasig City General Hospital, ngunit bigo ang mga doktor na maisalba pa ang kanyang buhay.

Nang rebyuhin ng mga awtoridad ang CCTV sa lugar ay makikita na dakong alas-4:00 ng mada­ling araw ay minamaneho ng biktima ang isang Suzuki motorcycle na may plakang CA80058, at binabagtas ang naturang lugar patungo sa direksiyon ng Elisco Road nang salpukin ng isang ‘di naplakahang taxi na imbes na tumigil at tulungan ang biktima ay agad na tumakas patungo sa ‘di nabatid na direksyon.

vuukle comment

CAR ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with