^

Metro

Maysilo Circle at Boni Ave. sa Mandaluyong isasara ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Maysilo Circle at Boni Ave. sa Mandaluyong isasara ngayon
Ayon sa Mandaluyong City - Traffic Enforcement Division (TED), dakong alas-5:00 ng umaga ngayong araw hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ay sarado ang bahagi ng Maysilo at Boni Ave. dahil sa isasagawang miting de avance ng mga kandidato.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ng Mandaluyong City government na isasara ngayon araw para sa lahat ng motorista ang bahagi ng Maysilo Circle at Boni Avenue sa lungsod.

Ayon sa Mandaluyong City - Traffic Enforcement Division (TED), dakong alas-5:00 ng umaga ngayong araw hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ay sarado ang bahagi ng Maysilo at Boni Ave. dahil sa isasagawang miting de avance ng mga kandidato.

Bunsod nito ay apektado ang mga motorista mula sa bahagi ng Martines Street hanggang bago dumating ng San Francisco.

Sinabi ng TED, magpapatupad sila ng two-way traffic mula sa San Francisco hanggang sa Martinez na dating mga one way na kalsada.

Sakop ng pagsasara ang bahagi ng Boni Avenue mula sa Maysilo Circle hanggang sa Sto. Rosario.

Upang hindi maabala, pinayuhan ng TED ang mga morotista na iwasang dumaan sa nasabing lugar sa halip ay maghanap na lamang ng alternatibong ruta.

vuukle comment

ROAD CLOSURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with