^

Metro

P6.5M calamity fund ipinagkaloob ng PCSO sa quake victims

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kabuuang P6.5 milyong halaga ng calamity fund ang ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales, na pinaka-apektado ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Luzon noong Abril 22.

Ayon kay Sandra Cam, direktor ng PCSO, P5 milyon dito ay napunta sa Pampanga, habang P1.5 milyon naman ang para sa Zambales, upang magamit sa pagkakaloob ng kaukulang tulong sa mga nabiktima ng lindol.

Ani Cam, ang naturang calamity fund ay itinakda ng PCSO Board of Directors (BOD) matapos ang isinagawa nilang pagbisita at assessment sa epekto ng lindol. 

Nabatid na bukod sa calamity fund ay pagkakalooban din nila ng medical assistance ang mga biktima ng lindol na naka-confine sa mga pagamutan, sa pamamagitan ng kanilang Individual Medical Assistance Program (IMAP).

vuukle comment

CALAMITY FUND

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with