^

Metro

3 pang paaralan ipinasara dahil sa lindol

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 pang paaralan ipinasara  dahil sa  lindol
Ayon kay DPWH-NCR Regional Director Ador Canlas, agad silang nagsagawa ng assessment sa mga gusali at iba pang istruktu­ra ka­bilang ang mga tulay matapos ang malakas na lindol.

MANILA, Philippines — Tatlo pang eskuwela-han ang pansamantalang isinara makaraang ma-ki­taan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga  bitak bunsod nang naganap na 6.1 earthquake  noong Lunes.

Ayon kay DPWH-NCR Regional Director Ador  Canlas, agad silang nagsagawa ng assessment sa mga gusali at iba pang istruktu­ra ka­bilang ang mga tulay matapos ang malakas na lindol.

Tumanggi naman si Canlas na banggitin ang mga paaralan  at sa halip ay nagbigay ito ng katiyakan na  agad na  kukumpunihin ang mga  maliliit na sira.

Umaabot aniya sa 208  na mga tulay, 332 school buildings at 61 pampubli-kong gusalli ang kanilang  na inspeksiyon matapos ang malaka na pagyanig bagama’t may mga aftershocks pang  nararamdaman.

“Ito po ay kailangan ng mas madetalyeng evaluation pero based sa rapid assessment natin, nakita­an na mayroong multiple cracks, kaya ang kagandahan nito, dahil walang klase, pinasara muna natin. Sa ngayon ginagawa ang detailed evaluation para malaman kung ano ang corrective measures na ang ma-institute dun sa tatlong eskwelahan na iyon,” ani Canlas.

Paliwanag ni Canlas, sa 208 na tulay na kanilang nainspeksiyon, tanging Tinajeros Bridge at Tanza Bridge sa Malabon ang na­kitaan ng mga bitak.

Dahil dito, magsasaga­wa ang DPWH ng retrofitting at strengthening ng mga tulad nito bilang paghahanda sa “Big One” kung saan 20 tulay ang isasailalim ngayong 2019.

vuukle comment

6.1 EARTHQUAKE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with