^

Metro

Transparency sa pamamahala, papairalin ni Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Transparency sa pamamahala, papairalin ni Joy Belmonte
“Hindi ako naniniwala na dapat may tinatago tayo sa mga mamamayan natin. Para sa akin, dapat alam ng taumbayan lahat ng mga batas at mga pinaglalaanan ng budget ng lokal na pamahalaan sa gayon, malalaman kung maayos bang napamumunuan ang ating lungsod,” sabi pa ni Belmonte.

MANILA, Philippines — Paiiralin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng isang transparent government at pauusbungin  ang kultura ng accountability at openness sa lokal na pamahalaan  sakaling maluklok bilang alkalde sa lungsod.

“Hindi ako naniniwala na dapat may tinatago tayo sa mga mamamayan natin. Para sa akin, dapat alam ng taumbayan lahat ng mga batas at mga pinaglalaanan ng budget ng lokal na pamahalaan sa gayon, malalaman  kung maayos bang napamumunuan ang ating lungsod,” sabi pa ni Belmonte.

“Kapag ako ay naging alkalde, ang budget ng lungsod natin ay gagawin nating mas accessible online para makita ng mga mamamayan natin kung gaano kalaki ang pondo para sa isang sektor at kung tunay bang nararamdaman ng sektor na iyon ang budget na inilaan natin para sa kanila,” dagdag ni Belmonte.

Giniit nito na sa ilalim ng kanyang pamunuan ay kanyang sisikapin na  maging bukas sa publiko ang lahat ng dokumento at mga gawain ng lokal na pamahalaan upang magkaroon ng magandang feedback mechanism sa pagitan ng gobyerno at ng mga taumbayan.

“Sisikapin natin na alam ng taumbayan lahat ng mga gawain natin upang makuha natin ang tiwala at kompiyansa nila na may pinatutunguhan bawat pondo na inilalaan natin sa iba’t ibang proyekto. At kung hindi naman kayo satisfied, bukas ang pamahalaang lungsod para dinggin ang mga hinaing at suliranin na idudulog ninyo,” sabi pa ni Belmonte. Anya dito nagsisimula ang tinatawag na good gover­nance na kapag may ugna­yan ang mamamayan at pamahalaan ay makakatanggap siya ng  feedback sa publiko na bibigyan ng agarang solusyon at sapat na serbisyo.

“I will fight for our city to achieve good gover­nance,” giit pa ni Belmonte.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with