^

Metro

Trabaho sa mga senior citizens isusulong ni Isko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isusulong ni Manila Ma­yoralty candidate Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso   ang programa kung saan mabibigyan ng  oportunidad ang mga  senior citizens na makapagtrabaho  sa mga business establishments sa  Maynila.

Ayon kay Domagoso,  maraming senior citizens ang  nagnanais pa ring  magtrabaho  kahit na  retirado. Aniya hindi dapat  na pagkaitan ng   trabaho ang mga senior citizen kung kaya pa ng kanilang katawan.

Idinagdag pa nito na may mga business establishments na sasama sa kanilang programa at maglalaan ng trabaho na para  lamang sa mga matatanda. Binanggit pa nito  na sa mga matatandang sanay sa trabaho ay mas makararamdam ng sakit kung natitigil sa trabaho.

 “Alam ko po na mara­ming mga senior citizen ang gusto pang kumita, kaya mayroon po tayong programa na kinopya lamang namin sa iba’t ibang dako ng mundo tulad ng SingaporeHong Kong at Japan,” ani Domagoso.

Naniniwala  si Domagoso na  dapat na kunin muli sa trabaho ang mga nag retire na empleyado dahil  malaki ang maitutulong nito sa pagbabago at pag -unlad ng   lungsod.

vuukle comment

SENIOR CITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with