^

Metro

2 tiklo sa bala at droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 tiklo sa bala at droga

MANILA, Philippines — Tiklo ang dalawang babae matapos masakote sa ilegal na pagbebenta ng bala sa isinagawang buy-bust operation at makumpiskahan pa ng droga ng mga otoridad sa Navotas City nitong nagdaang Sabado de Gloria.

Nakilala ang mga suspek na sina Evangeline Leongson, alyas “Vangie”, 42, at Julie Ann Paronia, 27, kapwa nakatira sa Governor Pascual St., Brgy. Sipac Almazen, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Northern Police District, alas-4 ng hapon nang magkasa ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng isang operasyon sa tapat ng isang bahay sa No. 210 Governor Pascual St. sa naturang barangay target ang mga taong nagbebenta ng bala at baril sa mga kilabot na kriminal sa lungsod.

Bahagyang nagulat ang pulis na nagpanggap na buyer nang dalawang babae ang humarap sa kanya sa transaksyon ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pagbili.  Dalawampung piraso ng bala ng kalibre .45 baril ang ibinenta sa kanya ng mga suspek kapalit ng P400 marked money.

Matapos ang bentahan, sumenyas na ang buyer sa mga kasamahan dahilan para lumantad ang mga nakaabang ng mga kasamahang pulis at dakpin ang dalawang ginang.

Bukod sa mga bala, apat na maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihina­lang shabu ang nakumpiska sa mga suspek na maaa­ring inilalako rin nila sa mga parokyano.

Nakaditine ngayon sa DSOU detention cell ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Ammunitions, Omnibus Election Code at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with