^

Metro

MMDA personnel ‘no day-off’ ngayong Kuwaresma

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
MMDA personnel �no day-off� ngayong Kuwaresma
Sa halip, ikakalat ng ahensya ang 1,500 tauhan sa kalsada para alalayan ang mga motorista na uuwi ng mga probinsya at magtutu­ngo sa mga simbahan.

MANILA, Philippines — Sa kabila ng inaasahang pagluwag sa trapiko sa Metro Manila ngayong darating na Mahal na Araw, hindi pa rin magpapatupad ng “day-off” ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang mga tauhan.

Sa halip, ikakalat ng ahensya ang 1,500 tauhan sa kalsada para alalayan ang mga motorista na uuwi ng mga probinsya at magtutu­ngo sa mga simbahan.

“Aside from enfor­cers, we will also deploy staff from the Road Emergency Group which will be stationed at Quiapo and Ortigas,” ayon kay Edison ­Nebrija, Task Force EDSA supervisor.

Magtatalaga rin ng mga ambulansya sa mga itatatag nilang istasyon para sa mga deboto na tutungo naman sa simbahan ng Antipolo para sa taunang Alay Lakad.

 Pinaalalahanan naman ni Nebrija, ang mga motorista na kahit maluwag ang kalsada, manatili lamang sa 60 kilometers per hour speed limit na epektibo kahit holiday upang maiwasan ang mga sakuna.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with