^

Metro

Welder todas sa kabaro

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang 23-anyos na welder matapos pagsasaksakin ng kanyang kapwa welder habang nagtatalo kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Ronel Languita, residente ng No. 123 West Ave., Brgy. Bungad, Quezon City. 

Nadakip naman ang suspek na si Joshua Flores, 21, residente naman ng Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw sa kahabaan ng J. Teodoro St., sa Brgy. 48 Gracepark, ng naturang lungsod.

Ayon sa saksing si Rogie Zabala, nakita niyang nagtatalo sa gilid ng kalsada ang dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at sunud-sunod na undayan ng saksak ang biktima.

Agad na tumakbo palayo ang suspek dala ang patalim na ginamit sa krimen.

Huli na nang makaresponde ang mga pulis nang maiulat sa Police Community Precinct 2 ang insidente dakong alas-4:00 na ng madaling araw.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with