Cellphones, mga sigarilyo, iba pang kontrabando winasak
MANILA, Philippines — Daan-daang mobile phones, smartwatch, sigarilyo, marijuana na nakumpiska ang sinira ng pamunuan ng Manila City Jail kahapon alinsunod sa pinalabas na Manila City Jail Resolution 012015.
Ayon kay MCJ Spokesman Senior Inspector Jayrex Bustinera, sa 303 na cellphone, apat na smart watches, libu-libong sigarilyo ang kanilang winasak.
Sabi ni Bustinera, binebenta ng 80 pesos ang bawat stick ng sigarilyo na ipinupuslit sa pamamagitan ng mga dalaw.
Mayroon aniyang isang lalaking empleyado ng jail ang nagpupuslit ng ream-ream ng sigarilyo na kanilang natuklasan kaya agad na sinibak ito.
Samantala, sinabi ni Bustinera na tuluy-tuloy ang drug dependency examination and rehabilitation ng mga inmate.
- Latest