^

Metro

‘Drug queen’ sa Navotas, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Drug queen� sa Navotas, timbog
Kinilala ni Navotas City Police chief, Col. Rolando Balasabas ang nadakip na si Rosario Enriquez, alyas Rusing, at ang kasabwat niyang si Dennis Alvarez, da­ting barangay tanod at nakatira sa Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang tinaguriang ‘drug queen’ ng Navotas City makaraang malambat sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

 Kinilala ni Navotas City Police chief, Col. Rolando Balasabas ang nadakip na si Rosario Enriquez, alyas Rusing, at ang kasabwat niyang si Dennis Alvarez, da­ting barangay tanod at nakatira sa Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:20 noong Linggo ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation ng Police Community Precinct 4 sa may Block 24, Phase 13, ng Brgy. NBBS. Tiklo ang dalawang suspek nang maisakatuparan ang pagbili ng isang operatiba ng shabu kapalit ang P500 marked money. 

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 17 plastic sachet ng shabu habang nakuha kay Alvarez ang isang kalibre .38 baril, na may anim na bala at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Sinabi ni Balasabas na si Enriquez ang isa sa notoryus na drug pusher sa lungsod na talamak ang pagsu-suplay ng shabu sa mga kliyente at matagal nang target ng kanilang operasyon.

vuukle comment

DRUG QUEEN ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with