^

Metro

Kasero naningil ng renta, dinedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang  kasero nang saksakin sa dibdib  ng tenant nito na siningil niya sa upa, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa Manila Central University Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang 25-anyos na si John Axle Guireba ng Brgy. 155 Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Nadakip naman ang suspek na nakilalang si Christi Modesto, 46, may-asawa at nakatira sa Lirio Street, ng naturang bara­ngay.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng paupahang bahay na nirerentahan ng suspek.  Nabatid na nagtungo sa apartment na inookupa ni Modesto sa naturang dis-oras ng gabi at ura-uradang siningil ang suspek ng kanyang buwanang renta.

Dito nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dala-wa hanggang sa kumuha ng patalim sa loob ang suspek at pagsasaksakin sa dibdib ang biktima. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with