‘The Presser Weekend’ unang inilunsad ng PCOO sa Muntinlupa
MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon sa Muntinlupa City ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang kanilang kauna-unahang media forum para sa mga local government units (LGUs).
Ito ay tinawag na ‘The Presser Weekend’, na isinagawa sa Muntinlupa Sports Complex sa Brgy. Tunasan.
Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar, layon aniya ng ‘The Presser Weekend’ na dalhin sa mga LGUs upang maipabatid sa publiko ang naging accomplishment o mga proyektong ipinatutupad sa lokal man o mapa-national.
Ang unang ‘The Presser Weekend’, ang hinost ng tanggapan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga proyektong inilahad ni Department o Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang dito ang Build, Build, Build Program, Transport Modernization Program at Metro Manila Subway.
Tiniyak ni Tugade, na bago aniya matapos ang termino ni Pangulong Duterte ay makakaranas na nang kaginhawaan ang sambayanang Pilipino na may kaugnayan sa transportasyon.
- Latest