^

Metro

Lolo binasted, nililigawan sinaksak

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang   45-anyos na babae nang saksakin ng manliligaw niyang lolo  nang magalit ang huli sa ginawang pambabasted sa kanya kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ginagamot sa isang ospital ang biktimang si Michelle Santos, nakatira sa Brgy. San Dionisio, na nagtamo ng saksak sa kaliwang kamay.

Nakakulong naman sa Parañaque City Police detention facility ang suspect na si Zenas Cañete alyas Boy, 70, spotter sa bilyaran ng nasabing barangay.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insi-dente alas-10:00 kamaka-lawa ng gabi sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Sa  kuwento sa pulisya  ng biktima, bago ang insidente ay ilang beses na siyang tinetext ng suspect at nagpapadala ito ng mga mensahe nang panliligaw.

Hindi aniya niya pinan­sin, dahil sa pag-aakalang nagbibiro lamang ito, subalit nagpadala ito ng malaswang text.

Dahil matanda, iginalang pa aniya ito, ngunit dito na siya niligawan hanggang sa tuluyan na niya itong bastedin.

Pilit siyang kinausap ng suspect na nasa impluwensiya ng alak at nagalit ito nang kanyang bastedin.

Sa kasagsagan ng kanilang pag-uusap, bigla na lamang sinaksak ng suspect ang biktima at nasalag niya ito hanggang tinamaan siya sa kaliwang kamay.

Isinugod ang duguang biktima ng ilang taong naroroon sa isang ospital at ang suspect naman ay dinakip nang rumespondeng mga pulis.

vuukle comment

STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with