^

Metro

Total ban ng MMDA sa bus terminal sa EDSA, pinalagan ng commuters

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Total ban ng MMDA sa bus terminal sa EDSA, pinalagan ng commuters
Dahil dito, nagpasaklolo ang grupo kay Ako Bicol Partylist Rep. Bobby Ang.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Isang grupo ng commuters buhat sa Bicol na nakabase sa Meto Manila ang pumalag sa nakatakdang  ‘total ban’ sa mga provincial bus terminal sa EDSA na ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa buwan ng Hunyo.

Dahil dito, nagpasaklolo ang grupo kay Ako Bicol Partylist Rep. Bobby Ang.

Agad namang umaksyon si Atty. Ang na nagsabing maghahain siya   ng  resolution  upang kuwestiyunin ang nakatakdang pagbabawal sa bus terminal sa EDSA. 

 Sabi ni Ang, naka-draft na ang resolution at kapag nasa pinal na ito ay ihahain na niya  sa Kamara.

Ang naging hakbangin ni Ang ay dahil na rin sa  maraming reklamong natatanggap ng kanyang tanggapan mula sa kanyang mga kababayan sa Bicol, na kabilang  sa maaapektuhan ng ban.

Idinagdag pa nito na panibagong pasa­kit na naman aniya ang ipapatong sa mga commuters dahil bukod sa  doble gastos sa pamasahe, mas  hirap ang mararanasan  nila sa pagko-commute kapag naipatupad na ang nasabing regulasyon.

Nabatid, na kamakailan ay inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA, na kinabibilangan ng mga Metro mayors, na hindi na bibigyan ng business permit ang mga kompanya ng bus na ang terminal ay matatagpuan sa EDSA.

Ang mga provincial buses na magmumula sa Norte ay hanggang sa terminal  na lamang sa Valenzuela City, samantalang ang magmumula sa Southern ay ang terminal naman sa Santa Rosa Laguna ang gagamitin.

vuukle comment

BUS TERMINAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with