‘No window hours policy’, ipatutupad ng MMDA
MANILA, Philippines — Tinanggal na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “window hours policy” para sa number coding scheme o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa lahat ng major roads at Mabuhay Lane routes.
Sa pagpupulong kahapon ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA, na ilan sa mga napagkasunduan ay alising tuluyan ang “window hours policy” sa buong Metro Manila.
Ibig sabihin kung coding ang isang sasakyan buong araw itong hindi puwedeng ibiyahe sa lansangan kahit pa nga hindi rush hour, ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia.
Ayon kay Garcia, maghihigpit din sila sa speed limit na itinakdang bilis sa mga sasakyan na tumatahak sa mga kalsada at mga main road tulad ng Commonwealth, EDSA, lalo na kung gabi at madaling araw, na kung saan maluwag na ito sa mga motorista.
- Latest