^

Metro

Mekaniko natodas sa pagtulog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na nagising sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ang isang mekaniko nang madiskubreng wala nang buhay sa loob ng barracks ng isang concrete company sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Alvin David, 48, residente ng Mexico, Pampanga at stay-in mechanic sa Top Star Ready Concrete sa may Mindanao Avenue Extension, Brgy. Ugong, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-7:20 ng umaga nang madiskubre ang wala nang buhay na si David ng kasamahan niya sa trabaho na si Deryll Pablo.

Ayon kay Pablo, tinatawag niya para mag-almusal si David ngunit hindi siya tumutugon.  Nang kanyang yugyugin ay nadiskubre niyang hindi na humihinga.

Agad na iniulat ng mga kasamahan sa trabaho ang insidente sa Police Community Precinct 8.  Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), walang nakitang pinsala sa katawan ni David.

 Dinala na ang labi ni David sa Candido Funeral Services upang isailalim sa awtopsiya para mabatid ang tunay na dahilan ng pagkamatay.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with