^

Metro

Drug suspect, ayaw magpaaresto, nagsaksak sa sarili

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Minabuti na lamang ng isang drug suspect na magsaksak sa kanyang sarili sa halip na maaresto ng mga pulis sa isang anti-criminality operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Arestado pa rin naman at ginagamot na sa Chinese General Hospital ang suspek na kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr., na si Noel Valencia, 58, ng Brgy. Sta. Teresita.

Batay sa ulat ng QCPD, dakong alas-7:30 ng gabi nang madakip ng  La Loma Police Station (PS 1) sa pamumuno ni P/Supt. Camlon Nasdoman si Valencia, sa M. Cuenco St., Brgy. Sta. Teresita.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang  concerned citizen hinggil sa umano’y nagaganap na pot session sa naturang lugar. 

Nang beripikahin, nahuli si Valencia sa aktong bumabatak ng shabu.

Nang aarestuhin na ng mga pulis, tumanggi ang suspek at dumampot ng isang patalim at itinarak sa kanyang tiyan. Mabilis namang umaksyon ang mga awtoridad at dinisarmahan ang suspek, bago pa man masaktang muli ang kanyang sarili at saka dinala sa pagamutan.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang dalawang pakete ng shabu at drug paraphernalia.

Sa sandaling makalabas ng pagamutan, inaasahan namang ididiretso ng presinto ang suspek para ikulong at sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with