^

Metro

Shootout sa drug-bust: 2 PDEA agent, ‘tulak’ sugatan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang ahente ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kap­wa sugatan sa isang eng­kuwentro kontra sa isang drug suspect na suga­tan din sa ikinasang buy-bust ope­ration kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kapwa ginagamot sa  San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina PDEA Agent 3 Charlemaine Tang, at PDEA Agent 2 Ri­chard Seure, 44.

Sugatan din makaraang tamaan ng ligaw na bala ang kahera ng Uniol Gasoline Station na nakilala lamang sa pangalang Justine na isi-nugod sa Adventist Hospital.

Ginagamot din sa na­banggit na ospital ang sugatang suspek na nakilala sa pangalang alyas Boy, habang nakatakas naman ang kasabwat nito.

Ayon sa isinumiteng report ni Chief Inspector Wilfredo Sangel, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) kay Pasay City chief of police, Senior Supt. Bernard Yang, naganap ang insidente alas-7:30 kahapon ng umaga sa Buendia-Harrison St., ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagkasa ng buy-bust operation ang ope-ratiba ng PDEA laban sa sus­pek matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na gawain nito.

Natunugan ng suspek na taga PDEA ang kanyang katransaksiyon, dahilan upang bumunot ito ng baril at pinutukan nito ang mga biktima.

Gumanti ng putok ang mga operatiba  at makalipas ang tatlong minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at mga suspek  dito na nakitang duguan sina Yang at Saure, maging ang suspek.  

vuukle comment

PHI­LIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with