^

Metro

Mag-asawa balik selda sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik-selda ang mag-asawa na una nang nakulong dahil sa pagtutulak ng droga matapos muling madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa San Juan City kama­kalawa ng gabi. 

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Luisito Pancho, 54, at Teresita Pancho, 53, kapwa residente ng Brgy. Batis, San Juan City.

Batay sa ulat ni San Juan City Police chief, P/Senior Supt. Ariel Fulo, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangu­nguna ni P/Senior Insp. Edwin Malabanan ang mag-asawa sa isang buy-bust operation sa naturang lugar.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang tatlong pakete ng shabu.

Batay sa rekord, ang mag-asawa ay dati nang nakulong sa San Juan City Police dahil sa drug charges noong 2017 at nakalalaya lamang matapos na payagan ng hukuman na makapaglagak ng piyansa na nagbalik sa kanilang ilegal na gawain.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with