^

Metro

Birthday party nabahiran ng dugo, nagpanggap na pulis dedo

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang  54-anyos na lalaki makaraang barilin  ng isang janitor  matapos pumasok ang una  sa isang birthday party at magpanggap na pulis, kamakalawa ng gabi  sa Pasay City.

Dead  on arrival sa Protacio Center Hospital sa  Parañaque City si Larry Fortaleza, ng Twin Pioneer Street, Brgy. 189, Zone 20 ng naturang siyudad.

Hinahanting naman ngayon ng pulisya ang suspek na si Rey Dongon, isang  janitor ng  JRS Management Center Agency,   Pioneer Highlands  sa  Mandaluyong City.

Ayon sa report ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang biglang pumasok sa bahay ng isang  Raulito Bisnar na siyang host ng birthday party ang nasawi at nagpakilalang pulis.

Dito ay nakaroon na ng argumento sa pagitan ng  biktima  at  suspect, na bisita rin roon  at kasagsagan ng pagtatalo ay bumunot ng baril si Dongon at pinutukan nito  ng tatlong beses si Fortaleza.

Pagkatapos ay mabilis na tumakas ang naturang suspek at ang biktima naman ay dinala sa nabanggit na ospital ng ilang nagmamalasakit, hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with