^

Metro

Lineman binoga ng 14-anyos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lineman binoga ng 14-anyos

Tinadtad ng bala ng pellet gun

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 22-anyos na lineman matapos pagbabarilin ng isang 14-anyos na binatilyo gamit ang pellet gun naganap sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Sanhi ng mga tinamong tama ng pellet sa iba’tibang bahagi ng katawan partikular sa dibdib, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Reconiel Cruz, lineman at residente ng No. 187 Sardonyx St., Tondo, Maynila.

Arestado ang isa sa tatlong suspek na pawang mga taga-Tondo na si Elaine Ambrosio Zamora, 19, may live-in partner at nagsilbing getaway driver matapos ang pamamaril.

Tinutugis naman ng mga otoridad ang 14-anyos na pangunahing suspek na umano’y gunman na si Marc Amiel Arsenio alyas “Macmac”, at ang isa pang kasamahan na si Johnren Aguilar Pineda, 18-anyos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Osmeña at Pacheco Sts.

Bago ito, nakikipagrambulan umano ang grupo ni Macmac sa isa pang grupo nang mapadaan ang ina ng biktima na nagtangkang umawat sa mga kabataan hanggang sa matumba ito dahil sa awayan ng magkabilang panig.

Nang malaman ng biktima ay sumugod sa lugar at sinapak umano si Macmac bago pa maawat ng kanyang mga kaanak.

Dito ay saglit na nawala si Macmac at ilang sandali ay rumesbak ito angkas sa motorsiklong minamaneho ni Pineda at ibinaba lang siya na mabilis namang lumapit sa biktima at pinaputukan ng ilang beses gamit ang pellet gun.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na pinik-up ni Zamora si Macmac gamit ang isang itim na Yamaha Mio motorcycle at tumakas sa direksiyon ng Pacheco St kung saan sa tulong ng ilang sumaklolo ay naharang si Zamora habang nakatakas naman si Macmac.

Naisugod pa sa pagamutan si Cruz ngunit idineklarang dead-on-arrival habang patuloy ang pagtugis ng mga pulis kina Macmac at Pineda.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with