^

Metro

Bebot tiklo sa sextortion

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bebot tiklo  sa sextortion

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang bebot matapos mabigo sa tangka nitong kikilan ang isa pang bebot kapalit ng hindi pagpapakalat ng mahahalay na larawan nito sa internet sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad sa isang kilalang mall sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang suspek na si Joy Eunice Nool, alyas ‘Via,’ 24, ng Brgy. San Andres, Victoria, Tarlac.

Nabatid na si Nool ay inaresto ng QCPD- Masambong Police Station (PS 2), na pinamumunuan ni P/Supt. Rodrigo Soriano, dakong alas-3:00 ng hapon matapos na ireklamo ng isang 24-anyos na babaeng taga-Marikina City.

Nauna rito, dumulog sa pulisya ang biktima, matapos umanong magbanta ang isang “Ethan Andrei Ricafort,” na pinaniniwalaang si Nool din, na nakilala lamang niya sa isang social media site, na ipapaskil ang kanyang mga hubad na larawan sa internet.

Upang hindi umano ito gawin ay kailangang magbigay siya ng pera sa suspek.

Kaagad namang nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis at nadakip ang suspek sa foodcourt ng mall na matatagpuan sa EDSA kanto ng North Ave. Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City habang aktong tinatanggap ang P1,000 entrapment money mula sa biktima.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang ‘di pa batid na uri ng bala, na ayon dito ay isa lamang anting-anting o amulet habang nabatid din na may kasong pagnanakaw si Nool noon pang 2012.

vuukle comment

SEXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with