^

Metro

‘Tulak’ nanlaban, tumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng shabu nang makipagbarilan sa mga umaarestong pulis sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng madaling araw sa Makati City.

Inaalam ngayon ng pulisya ang tunay na pagkakakilanlan ng napaslang na suspek na kinilala lang sa alyas na “August”.

Sa ulat ng Makati City Police, ala-1:30 ng mada­ling araw nang maganap ang engkuwentro sa may E. Jacinto St., JP Rizal Ave., Brgy. West Rembo, ng naturang lungsod.

Makaraang mag-abot ng isang pakete ng shabu at marked money buhat sa nagpanggap na buyer, kumilos na ang mga nakatagong mga pulis para arestuhin ang suspek.

Nang makita ang mga pulis, bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga otoridad na nagawa namang makakuha kaagad ng cover dahil sa pagiging alerto sa kilos ng suspek. Dito nagkaroon ng palitan ng putok ng baril hanggang sa bumulagta ang suspek.

Narekober ng mga pulis sa posesyon ng napaslang na suspek ang nasa 10 maliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu, at isang kalibre .38 baril.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with