^

Metro

Pekeng ‘GeoPollitiko’ survey sa Quezon City bistado!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pekeng �GeoPollitiko� survey sa Quezon City bistado!
Sa pagsusuri ng mga residente, lumabas na peke ang nasabing survey dahil unang-una ang coverage na January-February 2019 pa lamang ay hindi na kapani-paniwala o kuwestiyo­nable na.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Bistado sa mga mapanuri  at alertadong residente ng Quezon City ang pekeng survey sa umano’y ginawang “GeoPollitiko survey” na nagsasabing lamang na si Cong. Vincent “Bingbong” Crisologo laban kay Vice-Mayor  Joy Belmonte sa pagka-alkalde sa lungsod.

Sa pagsusuri ng mga residente, lumabas na peke ang nasabing survey dahil unang-una ang coverage na January-February 2019 pa lamang ay hindi na kapani-paniwala o kuwestiyo­nable  na. 

Sumang-ayon naman ang isang political survey expert na napakahaba nga ng ginugol na panahon sa survey.

“Sa ilang araw o linggo lang nagbabago ang pulso ng botante dahil maraming nangyayari eh, yan pa, na buwan ang inabot ng survey, kaya peke at invalid yan,” ayon sa isang survey expert.

Lumitaw din sa pagsusuri na ang GeoPollitiko survey ay hindi rehistrado at ito ay kinopya lamang sa isang survey group na nakabase sa Washington, DC, USA na GeoPoll. 

Bunsod nito ay umalma si Nick Becker, Chief Executive Officer (CEO) ng GeoPoll na ginamit at kinopya pati ang kanilang logo.

Itinanggi ni Becker na konektado sa kanila ang GeoPollitiko survey na ngayon ay naghahanda na upang magsampa ng kasong paglabag sa ‘intellectual copyright’.

Ang GeoPollitiko.com website ay sinasabing binili at ginawa nitong February 2019 lamang at nakarehistro sa isang Rowena Cantuba na taga-Ilocos Sur St., Bago-Bantay, Quezon City at ngayon na nabisto ay inilipat ang account ng isang Julie Bayog ng Pasig City na nabuking din. 

Ginagamit ngayon ang website at nakikita pa rin sa mga social media accounts ng  kampo ni Bingbong Crisologo.

vuukle comment

GEOPOLLITIKO SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with