^

Metro

Joy B ‘top choice’ sa QC; Crisologo nilampaso

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Joy B �top choice� sa QC; Crisologo nilampaso
Vice Mayor Joy Belmonte
Boy Santos

Base sa resulta ng latest survey

MANILA, Philippines — Milya-milya muli ang inilayo ni  Quezon City  mayo­ralty bet  Vice Mayor Joy Belmonte  sa katunggali niyang   si  QC First District Rep. Vincent Crisologo base sa resulta ng isinagawang survey.

Ito ay makaraang makakuha si Belmonte ng 72 percent na boto na malayung-malayo sa 18 percent na botong nakuha ni Crisologo.

Sa pinakahuling survey na ginawa ng  RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD Inc.) si Belmonte ang top choice ng mga taga- QC na maging susunod na alkalde dahil sa  malaking kalamangan nito  sa mga katunggali sa pwesto.

Ang survey ay naisagawa noong February 1 hanggang 10 mula sa 2,500 respondents na tinanong kung sino ang nais nilang mamuno  sa lungsod.

Sa mga natanong, nagsabi na mas gusto nila ang mas batang lingkod bayan na may sapat na kakayahan at galing sa pamamahala sa lokalidad na tulad ni Belmonte.

“I’m very thankful to God and to our constituents for this positive response. We have a long way to go, but I am confident that my call for better governance and inclusive development will be heard loud and clear,” pahayag ni Belmonte.

Si Belmonte, ay nasa ikatlo at huling termino ngayon bilang Vice Mayor ng QC na masasabing siya lamang ang tanging lingkod bayan na magbibigay ng tunay na pagbabago, pag-unlad at magbibigay sigla sa kabuhayan ng mga taga-QC.

Para sa vice mayor’s position, nakakuha si  Councilor Gian Sotto ng 42 percent na ungos kay Jopet Sison na nakakuha ng 15 percent at Roderick Paulate 13 percent.

Bago naganap itong survey, nailampaso rin ni Belmonte si Crisologo sa ginawang survey na kinomisyon ng PUBLiCUS Asia Inc. Noong November 16-20 may bilang na 1,800 registered voters sa kabuuan ng Metro Manila kung saan nakakuha si Belmonte ng 59 percent na malaking lamang kung ikukumpara sa 17 percent ni Crisologo.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with