^

Metro

Sudanese, 3 Filipinos tiklo sa pangingikil

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Sudanese, 3 Filipinos tiklo sa pangingikil
Nakakulong sa Makati City Police ang mga suspek na sina Fahad Almusabhi, Sudan national; mga Pinoy na sina Apao Millery, 31; Abenasa Jonathan, 39, at Gonzales Hernan, 37.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang Sudanese national at tatlong Pinoy na kasama nito  ang inaresto  matapos  nilang hingan ng malaking halaga ang isang estudyanteng  Yemeni national sa ikinasang  entrapment operation, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakakulong sa Makati City Police ang mga suspek na sina Fahad Almusabhi, Sudan national; mga Pinoy na sina Apao Millery, 31;  Abenasa Jonathan, 39, at Gonzales Hernan, 37.

Ayon sa report, base sa pahayag ng biktima na si Ahmed Mohammed Muneer, 23, alas-6:10 ng gabi nang takutin at hingan siya  ng P25,000 ng mga suspek sa Makati Avenue, Brgy.  Poblacion.

Nabatid na Marso 4 ng taong kasalukuyan una siyang hiningian ng halagang P9,000  ng mga suspek para sa pagproseso aniya ng kanyang expired student visa.

Subalit makalipas ang dalawang araw ay tinawagan ng mga suspek ang biktima na kung saan muli siyang hiningian ng P16,000 dahil kulang pa aniya ang bayad sa pagpro­seso ng kanyang visa.

Dahil sa kagustuhan ng biktima  na mapadali ang pag-renew ng kanyang student visa ay muli itong nagbigay ng nasabing halaga.

Makalipas ang apat na araw ay muling nag-demand ng halagang P100,000 ang mga suspek.

Dito na naghinala ang biktima hanggang sa nagreklamo na ito sa tanggapan ng Makati City Police.

Agad namang nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis.

Nang iaabot na ng biktima ang nasabing halaga, dito na dinakma ng mga pulis  ang suspect na si Almusabhi at tatlong kasama nitong Pinoy, na nagpakilalang body guard.

Napag-alaman pa, na gumamit ng pekeng pangalan si Almusabhi,  na Babiker Salah Idris at nagpakita rin ng pekeng ID ng Royal Embassy of Saudi Arabia at ID ng DFA.

vuukle comment

CRIME

EXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with