^

Metro

Bagong laya, sugatan sa boga ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos lalaki na kalalaya pa lamang dahil sa kasong droga ang nasugatan nang tambangan ng riding in tandem habang naglalakad, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nabatid na may 5 araw pa lamang nakalaya  mula sa pagkakapiit ay nakaratay naman ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Murphy Garcia, alyas Ope, residente ng  Victor Lopez Compound,  Capulong St., Tondo, dahil sa tama ng bala sa balikat.

Hindi pa tukoy ang pagkilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, dakong alas-9:55 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa panulukan ng Capulong at Raxabago Sts. Tondo.

Bago ang insidente, nabatid na kalalaya lamang ng biktima na unang naaresto sa kasong drug pushing sa ilalim ng Comprehensive Dangerous DrugsAct of 2002 subalit napalaya nang irekomenda ng prosecution na refer for further investigation  (RFI)ang kaso.

 Habang naglalakad  ay biglang lumutang umano ang mga suspek saka pinaputukan ng back rider si Garcia na maswerte pang sa balikat lang tinamaan at nagawang makatakbo kaya nasaklolohang dalhin sa pagamutan. (With trainees Nicole Manlapaz / Alecsis Edel)

vuukle comment

SHOT BY RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with