^

Metro

Bantay ng pasyente sa ospital, dapat 1 lang-DOH

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bantay na lamang ang papayagan ng Department of Health (DOH) na magbabantay sa kanilang pasyente na naka-confine sa mga ospital na apektado ng  water shortage.

Ang  kautusan  ay ginawa ni Health Secretary Francisco Duque bilang tugon sa kakulangan ng  supply ng  tubig sa mga  ospital.

Sa kanyang ginawang  press conference sa National Kidney Transplant Institute (NKTI), umaasa si Duque na maiintindihan siya ng  pamilya at magulang  ng mga naka-confine dahil kailangan na panatilihin ang kalinisan ng  lugar.

Mahalaga ang tubig sa mga ospital tulad ng  NKTI dahil kailangan nito ng 1,500 cubic meters  ng tubig araw-araw para sa hemodialysis units at hospital operations.

Aniya kung papayagan ang tatlong bantay bawat pasyente mas makakadagdag pa umano ang mga ito sa problema.

Lumilitaw na ang limang ospital na  sinusuplayan ng   Manila Water ay  NKTI, Rizal Medical Center, National Center for Mental Health, Philippine Children’s Medical Center at Quirino Memorial Medical Center.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with