Bading timbog sa ‘rape’ sa 11-anyos
MANILA, Philippines — Arestado ang isang bading matapos umano nitong i-oral sex ang isang 11-anyos na batang lalaki kapalit ang ipinangakong pera, kamakalawa ng gabi Makati City.
Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention facility ang suspect na si Jean Thompson Claude, 21, naninirahan sa Ponte St., Brgy. Tejeros ng nabanggit na lungsod.
Ang biktima naman ay itinago sa pangalang Noy.
Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-11:00 ng gabi nang himukin ng suspek ang biktima na sumama sa loob ng kanyang tirahan dahil bibigyan niya ito ng malaking halaga ng salapi.
Sa pag-aakalang totoo ang pangako ng suspek, kusang sumama ang biktima, subalit nagulat na lamang siya nang paghubarin siya nito at moles tiyahin.
Nang makauwi ng kanilang bahay ang biktima ay kaagad niyang isinumbong sa kanyang ina ang insidente.
Agad namang nagreklamo sa barangay ang mag-ina na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
- Latest