Lola na-hit-and-run sa EDSA, lasog
MANILA, Philippines — Patay ang isang 71-anyos na lola nang masagasaan at magulungan ng oil tanker trailer sa EDSA-Roxas Boulevard Pasay City, kamakalawa ng hapon.
Nasawi noon din na pumailalim pa sa pagitan ng dalawang gulong ang biktimang si Florida Masangya, ng E. Rodriguez St., Brgy. Baclaran, Parañaque City.
Nakakulong naman sa Pasay City Police detention facility at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na si Noel Locero Francisco, driver ng oil tanker trailer ng Malabon Oil Industrial Company.
Sa report ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente, alas-4:00 kamakalawa ng hapon sa Northbound lane ng EDSA-Roxas Boulevard, sa Pasay City.
Nabatid na papatawid ang biktima na siya namang pagdating na oil tanker at hindi napansin ang una.
- Latest