2 gunrunner bulagta sa engkwentro
MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang gunrunner ang bumulagta matapos na makipaghabulan at makipagbarilan sa mga pulis, kahapon ng madaling araw sa Bonifacio West Overpass sa may Liwasang Bonifacio, Ermita,Maynila.
Kinilala ang mga nasawi na sina Martin Malinao Robert Tan Hernandez .
Ayon kay SPO2 Lester Evangelista, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-3:10 ng madaling araw nang maganap ang bentahan ng baril kung saan nagkasundo ang mga suspek at pulis na nagpanggap na poseur buyer na magkita sa may Ayala bridge para sa bilihan ng apat na armas.
Nang magkita ang mga suspek na sakay ng motorsiklo,tinanggap nito ang marked money pero sa halip na ibigay ang armas, tinutukan ng mga ito ang pulis at mabilis na pinatakbo ang motorsiklo dahilan para habulin sila ng mga nakaantabay na pulis sa may northbound ng Quintin Paredes Bridge o Jones bridge.
Nang mapadaan sa tapat ng Bonifacio Shrine hindi ito huminto sa checkpoint at sa halip ay pinaharurot ng mga suspek ang minamanehong motorsiklo at pagsapit sa West Bonifacio Bridge bumaba ang dalawang suspek ng motorsiklo, naghiwalay at nakipagbarilan sa mga humahabol na pulis.
Nang mapawi ang putukan dito na nakitang nakabulagta ang dalawa.
Nakuha sa dalawa ang anim na armas, kabilang ang dalawang. 38; tatlong kalibre .45 kalibre at isang 9mm; isang stainless na kutsilyo at dalawang sachet ng shabu.
- Latest