^

Metro

2 karnaper utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang tinaguriang notoryus na karnaper ang napaslang matapos na kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa naganap na shootout sa Quezon City kahapon  ng madaling araw.

 Ayon kay Quezon City Police Director P/Chief Supt Joselito Esquivel Jr., dakong ala-1:30 ng madaling araw  nang magresponde ang mga elemento ng Batasan Police Station (PS6 ) sa pamumuno ni Supt. Joel Villanueva sa isang tawag sa PNP hotline 911 hinggil sa umano’y tsina-chop chop na motorsiklo sa Brgy. Payatas ng nasabing siyudad.Sinabi ni Esquivel na isang concerned citizen ang tumawag sa PNP hotline 911 na inireport ang presensya ng apat na kalalakihan na pumasok sa isang bakanteng lote  sa Marahan Subdivision, Sorsogon Street, Payatas B, Brgy. Payatas.

Ang mga suspek ay naaktuhang may dalang dalawang motorsiklo na tsina-chop chop ng mga ito sa lugar.

Sa  halip naman na sumuko ay agad nagpaputok ng baril ang mga suspect na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawa sa target na karnaper ng motorsiklo. Samantalang mabilis namang nakatakbo ang dalawa pa sa mga ito patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Sinabi ni Esquivel na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing suspek.  

Narekober sa lugar ang isang kulay pulang Suzuki Skydrive at isang Honda beat motorcycle at plate number NE 78518 na isasailalim pa sa beripikasyon  para alamin ang tunay na may-ari ng hinihinalang nakaw na motorsiklo. Nakuha rin sa lugar ang dalawang cal .38 revolvers na kargado ng bala, pitaka at walong sachet ng shabu.

vuukle comment

CARNAPPING

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with