^

Metro

‘Womb to tomb’ program, itutuloy ni Erap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung mayroon mang centerpiece program na gustong ipagpatuloy si Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang huli at ikatlong termino, ito ay ang “womb to tomb” projects na pinakikinabangan ng daan-daang libong residente ng lungsod.

Ayon kay Estrada, dinatnan niya ang lungsod ng Maynila na nasa miserableng kondisyon na ang mga ospital at walang maayos na pasilidad, walang gamot, walang doktor at walang pagmamasalakit sa mga pasyenteng mahihirap.

“Dahil nga bangkarote ang city government na wala nang pondo, may pagkakautang pa na P8 bilyon kaya kailangan kong ayusin ang lahat para masimulan ang programang “womb to tomb”, sabi pa ni Mayor Erap.

Ang “womb to tomb” program ang tumutukoy sa serbisyo ni Erap mula sa pagkasilang ng bata hanggang sa sumapit na ang pagpanaw ng isang nilalang.

“Libre lahat dito sa Maynila, walang binabayaran ang nga nanganganak, kung magkasakit sila, may maayos na pasilidad ang ospital at libre ang gamot. Kapag nag-aaral na ang bata, mayroon silang educational assistance, mayroon ding mga livelihood and capital assistance   para sa mga nanay at tatay na gustong magsimula ng maliit na negosyo,” sabi pa ni Mayor Estrada.

Maging ang mga senior citizens ay sentro rin ng pagseserbisyo ng Estrada administration. Karaniwan din ang pagkakaloob ni Mayor Erap ng P100,000 sa mga senior na umabot sa kanilang 100th bday.

Sa mga pagkakataong hindi na kinakaya ng mga pasyente ang kanilang mga karamdaman, dumarating ang mga hindi inaasahang pagpanaw na katotohanan naman sa lahat ng nilalang.

“Pati libing, libre dito sa Maynila, walang kailangang bayaran ang pamilya kapag kinailangan nila ang tulong ng lokal na pamahalaan. Sagot ng lungsod dahil may modernong columbarium, na ipinatayo natin,” ayon pa sa alkalde.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with